playtime2

 
Dear Ate,

Seryoso ka ba? Type mo si Jamby? Oy oy hindi porke fans ka ni Joday ay magja-Jamby ka na. Hindi porke nakinabang ka sa pa-reflexology niya ay may otang na loob ka na sa kanya. Pambansang pangolo ng Pilipinas ang hinahanap para sa eleksyon next year, hindi pambansang mascot na kahawig ni Jollibee.

Salamat nga pala sa “pasa-load”. Nagponta akong ATM kanina at pomasok na sa accoont ko ang pera. Maboti at nilakihan mo. May maipambibili na akong gatas at gamit ni Manix. Dito na kasi titira ang bata. O wag ka nang epal tolad ng Nanay. Inalmosal ko na ang mga angas niya kanina. “Anong ipalalamon mo diyan? Titi mo na pinatsotsopa mo na sa mga bakla? Isoli mo yan. At wag mong mabawas-bawasan ang pambili ko ng meta at malilintikan ka.”

Di ko na pinatolan ang Nanay. Ayoko kayang iwan lang basta ang bata sa mga magolang ni Cathy sa Noeva Ecija. Ayokong lomaki ito na ang alam lang ay pag-aararo at dahon lang ang toring sa damo. Komikita naman ako sa paextra-extra sa taxi ni Mang Kadyo. Nadadagdagan kahit paano ang kita ko sa clob. Alam mo naman, hindi pwedeng forever tayong star dancer sa Smorga. Matanda na ko. At si Mama O laging may natitisod na bagong lalakeng malaki ang hinaharap ngonit malaki din ang pangangailangan.

Alam kong di ka happy nong nalaman mong nabontis ko si Cathy. Ako din naman. Nong ona. Pero nong makita ko na ang bata, parang nagbago ang mondo ko. Naging parang kaleidoscope world. Sabi ko sa yo, pag nakita’t nakasama mo si Manix, balang araw, maiintindihan mo din ang pakiramdam ko at ni Will Smith. Heto inattach ko litrato namin dito sa e-mail. Aminin mo, nakakatooch di ba?

Ang iyong kapatid,
Matthew